Mga Live na Lokasyon, Tagapaglapat ng Media at Mga Wika

Nagsisimula sa Telegram 4.4, maaari mong i-broadcast ang iyong kasalukuyang lokasyon sa anumang chat nang real time.

Ito ay kapaki-pakinabang kapag ikaw ay patungo sa isang appointment o sinusubukang makipag-ayos sa mga kaibigan sa isang malaking kaganapan. Sa halip na magpadala ng mga static na lokasyon sa mapa bawat minuto, maaari mo na ngayong ibahagi ang iyong Live na Lokasyon kasama ang mga taong nakikilala mo – para sa 15 minuto, 1 oras, o 8 oras.

Upang magamit ang tampok na ito, piliin ang ‘Lokasyon’ mula sa menu ng attachment at piliin ang ‘Ibahagi ang Aking Lokasyon para sa…’:

Maaari mo ring ibahagi ang iyong Live Location sa mga grupo, at kung gagawin din ito ng iba pang miyembro ng grupo, makakakuha ka ng isang interactive na mapa ng kasalukuyang lokasyon ng lahat. Salamat sa isang bar sa itaas ng screen, laging matatandaan kung sino ang iyong pinagsasaluhan ng lokasyon. At kailangan mo lamang ng dalawang tapik para itigil ang pagbabahagi kahit kailan mo nais.

Bagong Tagapagtanghal ng Media

Lubos naming muling idinisenyo ang aming in-app na audio player upang mas mahusay na suportahan ang pag-playback ng MP3 at iba pang mga file ng musika na iyong ipinapadala at natatanggap. Subukan ang @cctracks channel para sa isang demo – nag-upload kami ng ilang libreng musika doon upang ipakita kung paano gumagana ang bagong media player. Pagkatapos i-download ang isang audio file, pindutin ang play button upang magsimulang makinig. Upang makita ang cover image at ang natitirang playlist ng chat, pindutin ang pamagat ng tumutugtog na track sa itaas na bar.

Maraming Wika

Naglulunsad din kami ng bago plataporma ng pagsasalin para sa mga app na Telegram. Simula ngayon, ang Telegram ay magagamit sa Pranses, Indonesian, Malay, Ruso at Ukrainian – na may karagdagang mga wika tulad ng Persian na darating sa lalong madaling panahon. Sinusuportahan na ngayon ng Telegram ang 13 wika, na magagamit sa Mga Setting.

Kung hindi mo gusto kung paano isinalin ang isang tiyak na elemento sa interface ng Telegram sa iyong wika, maaari mo na ngayong gamitin ang plataporma ng lokalization magmungkahi ng alternatibong salita o parirala. Ang lahat ay maaaring magmungkahi ng mga pagsasalin at bumoto para sa mga ito, ginagawa ang lokal na pagsasa-Filipino ng Telegram bilang isang pagsisikap na pinamumunuan ng komunidad.

Mas pinapadali ng mga screenshot ang mga pagsasalin

Hindi katulad ng ibang serbisyo, kayang i-push ng Telegram kaagad ang mga bagong pagsasalin ng mga salita at parirala sa mga app. Salamat dito, hindi na kailangang maghintay ng mga gumagamit para sa isang update sa mga tindahan upang makuha ang bagong lokal na bersyon.

Ibig sabihin nito, hindi na kailangang hintayin ng aming mga developer na matapos ang lahat ng pagsasalin bago ilabas ang mga app, kaya ang bagong interface na ito ay magpapabilis din sa pag-develop ng Telegram.

Mas Magandang Group Chat

Tulad ng dati, sinusubukan naming pagandahin ang mga Telegram group chat. Sa malalaking grupo, maaari mo nang makilala ang mga mensahe mula sa mga admin sa pamamagitan ng bagong ‘admin’ badge. At ang mga Admin sa mga supergroup ay maaari nang kontrolin kung makikita ng mga bagong miyembro ang mga nakaraang mensahe.


Oktubre 10, 2017
Ang Koponan ng Telegram