Nawawala na Media, Ang Iyong Bio at Higit pang Bilis

Narito na ang Telegram 4.2! Ganap naming idinisenyo muli ang aming mga tool sa pag-edit ng larawan, at mas kaunti na lang ang kailangan mong tapikin para maging kahanga-hanga ang iyong mga larawan. Bukod dito, maaari mo na ngayong itakda ang self-destruct timer para sa anumang mga larawan at video na ibabahagi mo sa pribadong chat.

Kung magse-set ka ng timer, magsisimula ang pagbibilang pabalik sa sandaling buksan ng iyong tatanggap ang litrato o video na ipinadala mo. Pagkatapos matapos ang oras, mawawala na magpakailanman ang litrato/video, katulad sa Mga Lihim na Chat.

Kung susubukan ng tatanggap na gumawa ng screenshot ng nawawalang media mo, makakatanggap ka agad ng abiso.

Sino ka nga pala?

Simula ngayong araw, maaari kang magdagdag ng bio sa iyong profile sa pamamagitan ng pag-type ng ilang salita tungkol sa iyong sarili sa Settings. Sa bawat pagkakataon na makatagpo ka ng mga bagong user sa malalaking grupo, maaaring gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa kanila. Dito makakatulong ang mga bio.

Bio sa iyong profile

Mas Mabilis at Mas Ligtas

Bukod dito, simula sa 4.2, ang mga Telegram na app ay aasa sa isang CDN (ipinamamahaging network) para mag-cache mga larawang at bidyong pampubliko ipinaskil sa malalaking kanal (100,000+ na miyembro). Ito ay magreresulta sa mas mataas na bilis ng pag-download para sa sampu-sampung milyon na mga gumagamit ng Telegram sa buong mundo. Tingnan ang post na ito upang malaman pa ang tungkol sa kung paano namin nagawa ito sa isang maayos at ligtas na paraan.

Isa Pang Bagay

Mas madali nang gamitin ang mga sticker dahil maaari mong palakihin ang lugar ng pag-scroll. Mas maraming espasyo para sa iyong emosyon!



Hulyo 23, 2017
Ang Koponan ng Telegram