Paghahanap ng GIF at Higit Pa

Sige, kaya may selebrasyon sa kampo ng Android ngayon. Telegram para sa Android ay muling idinisenyo at puno ng mga bagong tampok. Pero paano naman ang iPhone fan army? Lumalabas, ang iOS app ay mayroong isang bagay na kasing ganda rin.

Bilang karagdagan sa detalyadong mga kontrol para sa nagtatago ng iyong Huling Nakita and ibang mga setting ng privacy, ang update ng iPhone ngayon ay nagpapakilala ng isang mahusay na tampok sa media – Paghahanap ng Animated GIF.

Paano Ito Gumagana?

Maaari kang maghanap at magbahagi ng mga larawan mula sa Web gamit ang “Maghanap ng Mga Imahe” opsyon sa attachment. Ngayon, ang paghahanap ng imahe sa Web ay nagkaroon ng dalawang bagong tab – GIFs and KamakailanPinapayagan ka ng tab na GIFs na maghanap sa libu-libong mahusay na animasyong GIF. pinapagana ng Giphy. I-type lang ang isang keyword at magsaya.

Lahat ng mga larawan mula sa Web at mga GIF na ibabahagi mo ay mase-save sa Kamakailan tab. Maaari mong puntahan ang tab na iyon tuwing wala ka nang maisip na salita at agad na maibahagi ang alinman sa mga ito sa tatlong mabilis na pag-tap lamang. Kung ipapasa mo ang isang papasok na GIF sa isang kontak, magiging available din ang animasyon na iyon mula sa Recent tab. At oo, maaari kang magpadala ng maraming GIF nang sabay-sabay.

Isa Pang Bagay

Isa pang tampok sa media na idinagdag namin sa iPhone app ngayon ay ang mga preview para sa mga link ng YouTube at Instagram. Kung ang isang mensahe ay naglalaman lamang ng isang link sa YouTube o Instagram, ito ay magiging isang thumbnail na may kaugnay na impormasyon, tulad ng pamagat at tagal. Tingnan ito!

..pero ako ay nasa Android

Lahat ng ito ay darating sa aming Android app sa mga susunod na update. Kaya sa ngayon, umupo ka lang at tangkilikin ang bago mong mga setting ng privacy and disenyong materyal. Malapit na rin naming magkaroon ng GIF at mga larawan para sa iyo!


Ang Koponan ng Telegram
Nobyembre 19, 2014