Ang Telegram ay nangangahulugang kalayaan and kadakilaan. Ito ay ginawa ng isang maliit na koponan ng mga kilalang developer sa buong mundo na pinili sa pamamagitan ng multi-level na mga paligsahan. Kung nais mong sumali sa Koponan ng Telegram, tingnan ang mga pagpipilian sa ibaba.
Tingnan ang Telegram Paligsahan channel at aming @jobs_bot para sa patuloy na mga paligsahan at ang pinakabagong balita.
Mga Responsibilidad: gamitin ang isang espesyal na interface upang manu-manong ayusin ang nilalaman batay sa ibinigay na mga patnubay.
Mga nais na kwalipikasyon: kakayahang magsalita ng Ingles nang mahusay, malakas na kasanayan sa pagsusuri, mabilis na reaksyon, pansin sa detalye.
Paano mag-apply: makipag-ugnayan @jobs_bot at punan ang kinakailangang impormasyon. Kung tanggapin ang iyong aplikasyon, ibabahagi ng bot ang sunud-sunod na mga gawain sa pagsubok.
Paki-submit ang inyong mga aplikasyon para sa posisyon ng Content Moderator bago mag-Lunes, Mayo 10 at 23:59 Oras sa Dubai. Ang mga aplikasyon na matatanggap pagkatapos ng puntong iyon ay hindi isasaalang-alang sa round na ito – at kailangang maghintay para sa mga susunod na bakanteng posisyon.
Mga Responsibilidad: isalin ang mga interface ng app at website, mga blog post, changelog, at iba pang teksto nang may mataas na antas ng katumpakan sa mahigpit na mga deadline.
Mga nais na kwalipikasyon: kakayahang magsalita ng Ingles nang mahusay at isang katutubong antas ng kahusayan sa isa pang wika, mahusay na kasanayan sa pagsulat na nakatuon sa detalye.
Paano mag-apply: makipag-ugnayan @jobs_bot at punan ang kinakailangang impormasyon. Kung tanggapin ang iyong aplikasyon, ibabahagi ng bot ang sunud-sunod na mga gawain sa pagsubok.
Mangyaring isumite ang inyong mga aplikasyon para sa posisyon ng Tagasalin bago mag-Biyernes. Mayo 14 at 23:59 Oras sa Dubai. Ang mga aplikasyon na matatanggap pagkatapos ng puntong iyon ay malamang na hindi isasaalang-alang sa round na ito – at maaaring kailanganin pang maghintay para sa mga susunod na bakanteng posisyon.
Mga Responsibilidad: magtrabaho sa custom-built na low-level data storage engines ng Telegram na distributed sa ilang data-center.
Mga nais na kwalipikasyon: karanasan sa pagtatrabaho sa mga scalable na proyekto ng C/C++ at/o mga networking protocol, karanasan sa pagtatrabaho sa Linux, nangungunang resulta sa mga paligsahan sa programming.
Paano mag-apply: makipag-ugnayan @jobs_bot at punan ang kinakailangang impormasyon. Aabisuhan ka rin ng bot sa tuwing magkakaroon kami ng mga kaugnay na coding competition – na siya ring pinakamabilis at pinakamadaling paraan upang sumali sa koponan.
Mga Responsibilidad: i-automate ang mga rutin na gawain, proaktibong tukuyin at lutasin ang mga posibleng isyu sa pagiging maaasahan, dagdagan ang fault-tolerance ng multi-datacenter na imprastruktura ng Telegram.
Mga nais na kwalipikasyon: karanasan sa pamamahala ng mga sistemang tulad ng *nix, karanasan sa pag-develop sa C, Python o Perl; kaalaman sa bash, mga protocol ng network, at kagamitan sa network ng mga pangunahing tagagawa.
Paano mag-apply: makipag-ugnayan @jobs_bot at punan ang kinakailangang impormasyon.
Mga Responsibilidad: panatilihin ang mga aklat at rekord ng accounting, tiyakin ang dokumentasyon ng mga transaksyon sa pananalapi, pamahalaan ang mga payroll, ihanda ang mga pahayag at ulat sa pananalapi (balance sheet, pahayag ng kita at pagkawala, daloy ng salapi at pagsusuri).
Mga mas gustong kwalipikasyon: mataas na iskor sa GMAT, likas na kahusayan sa Ingles, pagpapahalaga at kaalaman sa pagpapatakbo ng mga prinsipyo ng accounting sa ilalim ng IFRS, karanasan sa QuickBooks o Xero software, malakas na kasanayan sa paggamit ng computer kasama ang mahusay na paggamit ng Microsoft Excel.
Paano mag-apply: contact @jobs_bot at punan ang kinakailangang impormasyon.
Mga Responsibilidad: pamahalaan at panatilihin ang kalendaryo ng CEO, pag-book at pag-aayos ng biyahe, transportasyon, at tirahan.
Mga mas gustong kwalipikasyon: mataas na IQ score, katutubong antas ng kahusayan sa Ingles, mahusay na kasanayan sa pasalita at pasulat na komunikasyon, katumpakan at atensyon sa detalye, pangunahing kasanayan sa pananalapi, diskrisyon, pagtitiyaga.
Paano mag-apply: contact @jobs_bot at punan ang kinakailangang impormasyon.