Maligayang kapaskuhan sa taglamig, sa lahat! Upang palakasin ang masayang kapaligiran, ina-update namin ang Telegram para sa pangalawang beses ngayong Disyembre, idinadagdag ang mga tampok na matagal ninyong hinihiling.
Kasama ang bersyon 4.7 for iOS, maaari mong baguhin kung ano ang hitsura ng iyong Telegram sa bagong mga setting ng Hitsura. Pumili sa pagitan ng apat na iba't ibang tema, kasama na ang isang minimalistic na tema (“Araw”) at dalawang madidilim na tema (“Gabi” at “Gabi Asul”). Pinapayagan ka rin ng temang “Araw” na pumili ng kulay ng accent para sa buong app, tulad ng pink o lila.

The Android app sinusuportahan na maramihang tema, kaya kailangan nitong magpatuloy pa sa 4.7 sa pamamagitan ng pagsuporta maramihang mga accountMaaari kang magdagdag ng hanggang tatlong account na may iba't ibang numero ng telepono sa iyong Telegram app, at pagkatapos ay mabilis na lumipat sa pagitan nila mula sa side menu. Patuloy na darating ang mga notification mula sa lahat ng account, maliban kung babaguhin mo ito sa Notification settings.

Sinusuportahan na ngayon ng Telegram mabilis na tugon sa parehong mobile na platform. Upang magamit ang mga ito, i- hipuin pakaliwa sa anumang mensahe sa isang chat.

Telegram 4.6, na inilabas noong unang bahagi ng buwang ito, ay nagpakilala ng mga bagong detalyadong setting para sa auto-downloading ng media, mas magagandang preview ng link, mga album sa Mga Lihim na Chat, pinahusay na seguridad, at mga embed para sa mga mensahe mula sa pampublikong grupo at mga channel. Ganito ang hitsura ng embed ng mensahe ng Telegram kapag isinama sa isang pahina sa web:
Upang makuha ang HTML-kodigo para sa pag-embed ng isang mensahe, buksan ang link nito na t.me sa isang web browser:
Magkaroon ng masayang bagong taon – at manatiling nakatutok para sa mga update ng produkto na iaanunsyo namin sa Enero.
Ang Koponang Telegram,
Disyembre 30, 2017