Kapag Nagkita ang Mga Sticker, Sining, at Kasaysayan

Ngayon Telegram naglunsad ng bagong uri ng mga sticker – isang libreng plataporma na batay sa emosyon para sa mga artista. Binanggit namin ang ilang teknolohikal at arkitektural mga punto na ginagawa ang mga sticker ng Telegram na isang ganap na bagong karanasan – bukas, libre and walang hanggan. Ngunit may isa pang paraan kung paano sila kakaiba, at malaki rin ang kinalaman nito sa ating mga pagpapahalaga.

Nang idinisenyo namin ang aming unang set ng mga sticker, ayaw naming gumamit ng kahit anong karakter sa kartun upang ipahayag ang damdamin. Sa halip, nagpasya kaming ipakita ang mga taong lubos naming nirerespeto. Sila ay mga mahuhusay na artista, makata, aktor, siyentipiko, at mga pinuno.

Nais naming bigyan sila ng pagkilala para sa kanilang mga ambag sa sibilisasyon ng tao, at umaasa kami na milyon-milyong gumagamit ng Telegram ay nakikiisa sa aming paggalang para sa mga kahanga-hangang indibidwal na ito.
Huwag kalimutang tingnan ang Bahagi 2: MAS maraming stickers!

Inaprubahan ni Abraham Lincoln

Binubuksan ni Salvador Dali ang tagumpay

Ipinaliliwanag ni Albert Einstein

Gusto ni Mahatma Gandhi kung saan ito patutungo

Nagkaroon ng masamang araw si Charlie Chaplin

Tumatawa ng malakas si Steve Jobs

Hindi masaya si Kafka. Hindi siya kailanman masaya...

Si John Lennon, pero...

Sinabi sa iyo ni Richard Wagner

Hindi naiinpress si Nikola Tesla

Hindi basta-basta nagpapadala ng sticker ni Tolkien

Mark Twain, ha?

Ang nakakunot na noo ni Freud...

At ang sikat na halik ni Monroe