Bilang karagdagan sa isang malaking pag-update sa aming Bot Platform, ginagawa namin ang ilang mga pagpapabuti sa disenyo at interface sa aming mga apps ngayon. Ipinapakita ng post na ito karamihan iOS mga screenshot, pero siguraduhing tingnan ang malawak na Android muling disenyo ginawa namin sa bersyong ito.
Simula ngayong araw, ang aming iOS Maaaring madaling magbahagi ng mga larawan at video ang mga gumagamit sa iba pang mga chat sa Telegram na may komento, o ipadala ang mga ito sa iba pang mga app.
Nagdagdag din kami ng bagong makinis na in-app media player upang maaari kang manood ng mga video mula sa YouTube at iba pang serbisyo nang may estilo. Mas kaunti rin ang ipipindot mo bago simulang manood.
Mas naging madali ang pagdagdag ng mga bagong sticker pack. Ang pagpindot sa kahit anong sticker sa isang chat ay agad na magbubukas ng kaukulang sticker pack. Maaari mong i-preview at ipadala ang mga sticker direkta mula sa menu na ito. Ngayon, hindi mo na kailangan turuan ang iyong mga lolo at lola kung paano magdagdag ng mga sticker.
Sa iOS, gumagana rin ang ‘Tap and hold to preview’ sa mga GIF sa panel ng GIF. Hilahin pataas para sa karagdagang mga aksyon.

Pareho rin ang totoo para sa nilalaman mula sa inline bots. Pindutin at hawakan upang makita ang paunang resulta na iminungkahi ng inline bots bago magpadala. Subukan ito ngayon sa @gif, @sticker or @coub.
Huwag mag-alala, paparating din ito sa Android! Nabanggit nga pala…
Ang Android app ay nakatanggap ng malaking pagbabago sa departamento ng disenyo. Na-redesign namin ang screen ng chat, na-optimize ang mga kulay, muling inisip ang mga button at message bubble, gumawa ng magagandang progress bar, ganap na inayos muli ang mga dokumento at iba pang mga attachment.
Pinabuti rin namin ang disenyo ng aming iOS app, nagdagdag ng makukulay na progress bar at bagong itsura para sa mga dokumento. Telegram Desktop ay nakatanggap din ng maraming pagpapabuti sa disenyo at ngayon ay ganap na sumusuporta sa mga bagong bot.
Oo, huwag kalimutan na bilang karagdagan sa nabanggit sa itaas, ipinapakilala namin ngayon ang pinakamalaking update sa aming bot platform mula pa noong Hunyo 2015. Magbasa pa tungkol sa Mga Bot 2.0 »
Abril 12, 2016
Ang Koponan ng Telegram