Noong nakaraang taon ipinakilala namin ang pinakamakapangyarihan kagamitan sa pag-edit ng larawan na ipatutupad sa isang messaging app. Pinayagan ka nitong agad na pagandahin ang mga larawan bago ipadala ang mga ito sa iOS and Android.
Ngayon ay itinutulak natin ang photo editor sa susunod na antas sa pamamagitan ng mga masayang bagay: maaari mo nang idagdag ang mga guhit, maskara, sticker at teksto direkta sa iyong mga larawan.

Madali ito: pumili lamang ng maskara, at awtomatiko itong ilalagay sa tamang lugar. Tinutukoy ng Telegram ang mga mukha sa mga larawan at ginagamit ang meta-data ng maskara upang mahanap ang perpektong posisyon.
Lumikha ang aming mga artista ng daan-daang magaganda at masayang maskara bilang mga halimbawa, ngunit lahat ng ginagawa namin dito sa Telegram ay isang bukas na plataporma. Kaya simula ngayon, kahit sino ay maaaring gumamit ng /newmasks utos para sa @stickers bot para mag-upload ng kanilang sariling mga maskara.
Kapag nagbukas ng isang larawan, makikita mo ang listahan ng mga set ng maskara na ginamit dito. Sa ganitong paraan, ang mga sikat na custom na maskara ay mabilis maging viral.
Isa pang bagay na malamang na kumalat nang virally ngayon ay ang iyong mga GIF-animasyon. Ang paggawa ng sarili mong mga GIF ay hindi kailanman naging mas madali: simpleng mag-record ng video sa Telegram at i-tap ang bagong pindutang “mute” upang ibahagi ito bilang isang looped autoplayed na GIF.

Ang animation ay mase-save sa iyong Seksyon ng GIFs upang ikaw ay makaresponde agad sa anumang bagay gamit ang isang set ng iyong sariling naunang narecord na GIF-emotions.
Ang huling karagdagan sa update na ito na punong-puno ng libangan ay ang tab ng mga trending na sticker. Sa tuwing makakaramdam ka ng kagustuhang magkaroon ng bagong mga sticker, maaari mong hanapin ang pinakabagong mga dagdag sa panel ng mga sticker sa alinman sa iyong mga chat.
Bumalik na kami mula sa bakasyon sa tag-init, kaya maghanda sa mas maraming mga update na paparating sa iyo sa lalong madaling panahon.
Setyembre 23, 2016
Ang Koponan ng Telegram