Maraming gumagamit ng Telegram ang humiling sa amin na suportahan Blackberry 10 mga kagamitan. Bilang isang maliit na koponan, kailangan naming pumili ng mga lugar na pagtutuunan ng pansin. Ngunit mula nang Telegram API ay 100% bukas at malaya, kahit sinong independiyenteng developer ay maaaring i-port ang Telegram para sa Blackberry 10 kung pag-aaralan nila ang aming protokol at ang Kodigo ng Java ginamit sa aming Android app.
Upang magbigay ng insentibo sa mga tagahanga ng Telegram sa mga inhinyero ng Blackberry, nag-aanunsyo kami ng isang buwan na patagalan na paligsahan sa coding simula ngayon. Ang inyong gawain ay i-port ang Telegram para sa BB 10 gamit ang open source Java code ng Android app. Isang pondo ng premyo na $50,000 ay ipamamahagi sa mga mananalo.
Siyempre, maaari mo lamang i-compile ang aming Android code para gamitin sa BB platform, ngunit may tatlo pang bagay na dapat pag-isipan:
Para sa detalyadong paglalarawan, mga screenshot at lahat ng kinakailangang graphics, mangyaring tingnan ang
Paglalarawan ng Paligsahan ng Blackberry.
Mangyaring ipadala ang inyong mga BB app sa amin sa [email protected] sa pamamagitan ng ika-13 of Disyembre. Ipapahayag namin ang mga nanalo dito sa aming Blog sa ika-25 of Disyembre. Mangyaring huwag munang i-publish ang iyong source code bago ang petsang iyon upang maitatag natin ang tunay na mga nanalo.
Ang badyet para sa premyo ay ipamamahagi sa mga kontribyutor na may pinakamabilis, pinaka-matatag at maayos na tumatakbong mga app. Ang pinakamalaking premyo dito, gayunpaman, ay isang magandang tingnan at mabilis na Telegram app para sa Blackberry – para sa lahat ng mga fans ng Blackberry at Telegram diyan.
Nobyembre 13, 2014
Ang Koponan ng Telegram